"Ayan ka! Mapanira talaga ng gamit! Hindi mo iniisip ang gastos! Napakawalang kwentang anak!" sigaw ni mama sa akin habang dinuduro ang aking ulo. Bagaman bata pa lamang ako ay alam ko na ang ibig sabihin ng mga bagay na iyon. "Napakamahal na nga ng salamin mo, maninira ka pa ng gamit na hindi naman iyo!" dagdag pa niya. Kahit na ganiyan magsalita si mama ay alam kong mahal niya pa rin ako sa isang banda. Agad naman akong ipinagtanggol ni kuya Charles kahit na nasira ko ang laruan niya. Dinampot niya ito at ipinag dikit-dikit ang mga pirasong naalis. "Oh, diba, ayos na!" masaya nitong saad at saka ipinakita sa akin na buo nang muli ang laruan. Kinabukasan ay napag-usapan naming mangisda sa isang ilog na malapit sa aming tree house. Dala-dala ang mga stick at tali na pamingwit

