*flashback* "Kuya Charles! Hintayin mo ako!" sigaw ko nang maiwan na naman ako ni kuya sa pagmamadali niya. Napakahaba naman kasi ng mga binti niya kaya't sa tuwing mayroon kaming usapan na pupunta kami sa tree house na ginawa naming dalawa ay lagi siyang nauuuna. Kaya ayaw kong nakikipag paunahan sa kaniya kasi panigurado, talo lang ako at kailangan kong ibigay sa kaniya ang kalahati ng aking meryenda. Makalipas ang ilang minuto ay pagod na pagod na ako ngunit sa wakas ay tanaw ko na ang tree house namin. Napakasarap na makita iyon dahil ang ibig sabihin lamang niyon ay makakapagpahinga na ako. Bagaman hingal na hingal ako ay pinilit kong maka akyat gamit ang lubid na mayroong buhol-buhol upang pagkapitan ng aking maliliit na kamay at paa. Nais ko nang magpahinga dahil sa pagod

