Aaron's POV Ilang araw na rin ang nakalipas at halos palaging ganito ang nangyayari. Dala ng pagod ay sumasakit ang aking ulo at maya-maya pa ay nabablangko na ako hanggang sa wala na akong maalalang tuluyan sa nangyari sa akin. Parang noong isang araw, habang nagmamaneho ay bigla na lang akong na blangko. Gising na gising ang aking diwa at pagkatapos ay biglang mawawalan ako ng kontrol sa katawan ko. Ang nakakatakot pa rito ay nakikita ko na gumagalaw ang katawan ko pero hindi ko ito makontrol o ano. Makakabalik lang ako sa kontrol sa katawan ko pagkatapos ng ilang minuto. Natatakot ako na walang makaintindi sa akin kaya't pinili ko na lamang na itago kaysa husgahan ka at imbis na makatulong ay makaragdag pa sa problema. Bandang huli, ako lang din naman ng makakaintindi sa akin

