CHAPTER SEVENTY SIX

1201 Words

Mga kaluskos sa gabing napakatahimik ang siyang gumising sa aking diwa. Nakakapanibagong makaranas ng ganitong mga bagay sa tuwing sasapit ang hating-gabi kung kailan tulog na ang lahat ng tao. Minabuti kong kapain ang aking tabi upang gisingin na lang si Aaron at nang siya na lamang ang tumingin kung ano nga ba ang bumubuo ng tunog na iyon. Laking gulat ko na lamang nang pagkapa ko rito ay wala ito sa aking tabi. Nang mabatid ko iyon ay biglang namuo ang kaba sa aking dibdib. Dahil sa mga bagay na sinalita sa akin ng kapitbahay namin ay nag-iisip ako ng ganitong mga bagay. Umiling ako at saka kinaltukan ang sarili sa noo. Bakit naman ako mag-iisip ng masamang bagay tungkol sa asawa ko? Hindi tama iyon. Baka naman umihin lang siya o ano. Minabuti ko na lamang na bumalik sa pagtulog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD