Chapter 24 "Oi, Wilhelmina, himala at sumama ka sa amin na mag-bar hopping. " Komento ng kadarating lang na si Pritzel. Siguro ay napapansin ninyo na parati sila pumupunta sa bar 'no? Yes, di ko pa nasasabi ata ang tungkol dito, para sa kanila ay tambayan lang nila ang lugar na ito dahil nandito nagtatrabaho ang boyfriend ni Pritzel, nakaka-discount kasi sila. "Naawa kasi ako sa inyo dahil parati niyo akong niyaya pero tinatangihan ko lang." Nakangising sagot ko sa kanya. Hindi ako sumama sa kanila dito para uminom. Hindi kaya ng tolerance ko ang alcohol kaya hangang pulutan lang ako. Hahaha...hayss... Ang totoo niyan. Gusto ko lang ng distraction, nang malaman ko kasi na magpinsan sina Craig at ang best friend kong si Arnorld ay ewan ko ba, pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila akong l

