Chapter 25 Napapailing ako ng isipin ko uli ang nangyari sa bar. Nang marinig ko 'yong sinabi ni Caridad ay muntikan na akong mapaniwala sa kanya kung hindi lang siya lasing. Matapos kasi lumikha ng malaking scene si Caridad ay sapilitan pinauwi na ni Craig si Caridad. Gusto ko sana samahan sila kaso hindi pwede. Pinapunta kasi ako ni Mommy sa bahay. Kung ano man ang problema ay panigurado ako na may kinalaman iyon sa kataksilan niya. Nasa harap na ako ng bahay ng magulang ko. Matapos kong pindutin ang door bell ay nagmamadaling lumabas ang isang maid at pinapasok ko. Bakas sa mukha ng maid ang kaba, which made me wonder why. "Naku, Ma'am, mabuti na lang at nandito kayo. Iyong mga magulang ninyo nag-aaway." "Ho? Bakit naman?" Napakamot siya sa ulo. Nagdadalawang isip kung sasagutin ni

