AUBREY'S POV MAKALIPAS ang tatlong linggo simula nang mangyari ang tungkol sa amin ni Aldrich sa bahay niya ay hindi na kami muling nagkita pa. Hindi na siya nagpakita sa akin dahil ayoko rin namang makita pa siya. Pakiramdam ko, hiyang-hiya ako at wala akong mukhang maihaharap ko sa kaniya. Hindi na rin ako pumapasok sa The Alchemist. Pakiramdam ko kasi, nawalan ako ng gana sa lahat. Gusto ko magtago at mapag-isa kasi pakiramdam ko nasu-suffocate ako sa mundong 'to. Hindi rin ako nagpaalam sa kanilang lahat— lalo na kay Gwyneth na alam kong nag-aalala na ngayon sa akin. Wala kasi ako sa bahay. Nandito ako ngayon sa probinsya namin, dito sa bahay kung nasaan ang mga magulang ko. Pakiramdam ko kasi, ang laki ng nawala sa pagkatao ko at kailangan ko muling kilalanin ang sarili ko. At mags

