GWYNETH'S POV MAKALIPAS ang dalawang taon, marami na ang nangyari sa buhay ko, sa takbo ng sitwasyon at sa pag-ibig ko kay Grey. Kakatwang sa loob ng dalawang taon namin bilang magkasintahan, halos nagawa na namin ang lahat. Nabigay namin sa isa't isa ang pagmamahal na deserve naming maramdaman. Hangga't maaari, ang pagkukulang ay pinupunan. At ang mga hindi pa nagagawa ay unti-unting isinasagawa. Sa bawat araw na dumaraan ay siyang pagdating ng mga bagay na hindi mo inaasahan. Mga bagay na akala mo sa una, hindi mo magagawang kamtan o abutin man lang. Ni ang tingin ay iyo pang ikinasisilaw. Pero hindi pala, ang liwanag ng buhay ay magsisimula sa paraan ng pagtingin mo sa liwanag na iyon. Kung iyon ba ay makakasama sa iyo o ikaliligaya mo. Sa bawat araw na lumilipas ay siyang pagngit

