Nilingon niya ito kamukha lamang pala ni Irene ito kung manamit pero napakalayo ng mukha nito sa modelo. “Mam! Paumanhin po, napagkamalan ko po kayo na kayo ang asawa ko magkapareho po kasi kayong manamit.” seryosong sagot ng binata na mababanaag ang katapatan sa kanyang sinabi. Napatingin lang sa kanya ang babae. Samantalang tinanggalan siya ng posas ng security guard. Pagkatangal ng posas hinugot ng binata ang larawan sa kanyang bulsa. “Ma’am, Sir salamat po ito po siya oh baka po nakasalubong n’yo sa minsan sa lugar na ito.” anang binata habang ipinapakita ang larawan. Nagkatinginan ang security guard at ang babaing disente. “Ma’am Baliw yata ang lalaking yan e papakawalan na lang namin.” Narinig niyang anas ng security guard sa babae. Tumango lang ang babae at tinalikuran n

