“Iisa-isahin ko naman ang mga beerhouse baka sakaling nandoon siya.” “Grabe ka naman kuya! Hindi masisikmura ng kaibigan kong pumasok ng beerhouse.” “Ineng lahat possible,”huling wika niya habang pumapakabila na sa pintuan. Inisa-isa nga niyang pinasok ang mga naghilirang nightclub na madadanan. Kahit ang mga pipitsuging beerhouse ay nagbakasakali din siya. Ngunit sa dami ay baka hindi pa niya natapos pasukin lahat sa bandang Pasay at Makati ay baka maubusan na siya ng pera paano pa kaya ang mga kalapit siyudad na Maynila at Quezon City. Mabuti kung pagpasok ay lalabas ka rin kaagad, Subalit kailangan niyang umupo at maghintay sandali upang magmatyag at isa-isahin ang mga babaeng nandoon. Napabuga na lamang siya ng hangin pagkatapos isilid sa bulsa ang wallet ng siya ay papalabas na

