Maghahating-gabi na ng dumating si Reden sa condominium unit ng kapatid sa Maynila dahil last trip lamang ang eroplano na may available pang tiket mula Davao ang kanyang nasakyan. “Kumusta ang lakad mo sa Davao? Bungad na tanong sa kanya ng kapatid ng pagbuksan siya ng pinto. “Paano mo nalaman?” Salubong ding tanong niya sa kapatid “Dapat mo pa bang itanong?, Kuya hindi na panahon upang maglihiman tayong dalawa?” “Okey naman, Katunayan nakarating pa ako ng bahay mo ng buhay. Dapat mo pa rin bang itanong?” “ Hay naku Kuya! Bakit ba ako nakapagtanong pa? Hmm kumain ka na ba? Magluluto muna ako.” Saad ni Nouer ng talikuran ang kapatid alam niyang galing ito sa isang mabigat na misyon. Hindi madaling magpaliwanag kapag aamin ka ng iyong pagkakamali. “Huwag na, ipagtimpla mo na lamang ak

