Aktong lalapit na ang mga tauhan nito ng muling magsalita ang binata. “Opps teka muna, hindi pa ako tapos. Baka hindi ako ang dapat ninyong damputin, hindi kaya dapat ay ang nag-utos sa inyo?” Parunggit nito habang tinapunan ng ngiting nakakauyam ang abogado. ‘Siguro naman dahil umamin na ako e may karapatan akong ipagtangol ang sarili ko ayon sa mga ebidensya.” May kinuha siya sa loob ng kanyang bag na isang brown envelope. Ini-abot ito sa katabi “Ito po ang katunayang mahal ko po si Irene.” Anas niya sa nakaupong babae na malapit sa kanyang kinatatayuan. Binuksan ng Ina ni Irene ang brown envelope; hinugot ang laman, tumambad sa kanila ang isang manilaw-nilaw at maberdeng dokumento na galing sa National Statistic Office. Lalong napalakas ang pagbalong ng luha ng babae na kanina pa na

