Kabanata 54

2162 Words

Pagdating nila ng Pier ng Calapan, mahigit kalahating oras na byahe pa daw ang lalakbayin nila at baka nga daw abutin pa ng isang oras kung magco-commute lamang sila. Humanga ang dalaga sa napakalawak na kapatagan na kanilang nadadaanan na puro palayan.  “Sis ibang iba ito samin,” Anang  dalaga. “Bakit naman?” “Samin kasi bihira ang palayan puro pinyahan sagingan at puno ng durian ang makikita mo.” May 30 minuto na yata silang naglalakbay ng kumanan naman ang kotse sa isang Rough Road na daan na kaagapay ng nakapahabang palayan na may mangila-ngilang kabahayan sa gilid ng kalsada. Maalikabok kaya’t medyo bumagal ang kanilang takbo. “Nandito na tayo samin.” Anas ni Nouer. “Yan ang palayan ng Kuya ko mula pagkanan natin hanggang doon sa natatanaw mong mga kakahuyan sa harapan natin .”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD