Kinabukasan hindi na niya nagisnan ang binata nakaligpit na rin ang hinigaan nito. Binuksan niya ang bintana. Pakiramdam niya ito ang napakasarap na gising niya sa buong buhay niya. Napangiti siya sa nasaksihan si Hector at ang kanyang Lolo ay masinsinang nag-uusap sa ibaba. May kaharap itong dalawang tasa ng kape. Parehong naka jogging pants nahulaan niyang nagsabay marahil itong tumakbo. Napansin niya rin na may mga sandaling tumatawa ang Lolo niya habang tinatapik tapik pa sa balikat ang kausap. Bihirang bihira niyang makita ito na ganito siguro dahil seryoso madalas ang Lolo niya lalo na kung nakikipag usap sa mga tauhan; Napakabihira nitong tumawa. “Kahapon si Lola, ngayon naman si Lolo ang kasundo niya. Kahanga hanga naman ang husay ng lalaking ito kung paano rumespeto sa mga m

