“Sis kaninong kubo ba iyon?” Tanong niya sa kaibigan habang itinuturo ang kubong madalas niyang pagmasdan. “Ha a eh, kay Kuya ,bakit ba?” Atubiling sagot ni Nouer. “Parang ang sarap magpahinga doon, halika puntahan natin.” “Ayoko, ang layo kaya at saka mainit maglakad, Matulog na lang tayo para may laban tayo sa puyatan mamaya.” Tanggi ng kaibigan sa pangungulit ng dalaga. “Sige na naman oh , saglit lang naman tayo gusto ko lang makarating doon,” paglalambing ng dalaga. “Mapapagod tayo malayo iyon akala mo lang malapit sa paningin.” “ E nakakainip eh wala naman tayong ginagawa sige na punta tayo doon. Please.” Pagsusumamo ng dalaga na nilapitan pa ang kaibigan at hinawakan sa kamay, bahagyang hinatak pa ito upang tumayo sa pagkakaupo sa kama. “Ka kulit naman! Basta saglit lang tayo

