Nagdilat ng mata ang dalaga at dahan-dahan itong bumangon naramdaman niyang medyo mabigat ang kaniyang pakiramdam. Matapos iligpit ang hinigaan nagpasiya na silang bumalik ng bahay upang hindi abutin ng dilim sa daan mabuti kong mabilis silang makakalakad sa madulas na pilapil ng palayan gayong hindi naman sanay si Irene na maglakad sa bukid. Pagbaba nila ng hagdan nasulyapan pa nila sa likod bahay na naglalakad papasok sa kasukalan ang lalaking operator ng traktora na may talukbong pa rin sa ulo na parang isang Ninja habang pasan sa balikat ang isang ping-ga ( bamboo stick) na kinabibitinan ng dalawang container. Nahulaan nilang mag-iigib ito. “Si Manong napa-igib tuloy, ikaw kasi inubos mong ipang hugas ang tubig niya kanina.” Paninisi ni Nouer sa dalaga. “Kasalanan naman niya kaya

