Nang gabing iyon nalibang siya habang kasama ang kaibigan sa pag-gro-grocery pero ng umuwi na ito saka lang niya naramdaman ang lalong kalungkutan. Pinagtagni-tagni niya ang pangyayari. Hindi raw binayaran ni Nouer ang lalaking iyon at ang kalahating milyon daw na hiningi nito ay ipapautang sa kanyang kapatid. Posibleng isa sa mga kaibigan ng kapatid ni Nouer ang lalaking iyon. Upang hindi nga naman nakakahiya na pautangin niya ito ay ginawan siya ng pabor. Biglang naningkit ang kanyang mga mata ng maisip niya ang ginawa ng matalik na kaibigan. Nakaramdam siya ng tampo. Bakit kailangan pa nitong daanin siya sa ganong bagay kung gusto lang nitong makahiram ng pera sa kanya e kausapin lang siya ni Nouer baka mabilis pa sa alas kwatro i papahiramin niya ito. Bakit kailangan pa nitong guma

