Bago pa lang pumuputok ang araw sa silangan malungkot na nag-paalam na ang dalawa. “Talaga bang ayaw ninyong ihatid namin kayo sa airport?” “Wag na po Ma, lalo lang akong malulungkot.” Sagot ng dalaga sa Ina pagkatapos niyang yumakap dito. Bumaling siya sa kapatid at nagtagubilin. “Ailyn hindi ka na dalaga ha iba na ang buhay mo ngayon. Baka makalimutan mo dahil sa kakatrabaho mo na may-asawa na palang naghihintay sa pag-uwi mo.” “Salamat sa paalala ate tatandaan ko yan.” “Saan ba ang honeymoon ninyo?” tanong ng dalaga sa kapatid. “Baka sa Europe Ate makapag pahinga muna kami kahit isang buwan.” Sambot ni Craig. “Craig mag-ingat kayo sa byahe ha.” Baling ng dalaga sa Brother in-Law. “Kayo rin ate.” balik nito sa kaniya. Matapos yumakap na isa-isa sa kaniyang mga kamag-anak nauna

