Maaliwalas ang kalangitan, kumukutikutitap ang maraming bituin at masarap sa balat ang mahinang simoy ng hangin. Pagkatapos ng masayang hapunan napag-kasunduan ng dalawa na mag-gala sa garden habang nagpapatunaw ng pagkain. Naupo sa damuhan ang dalaga. Ibinaluktot ng bahagya ang dalawang tuhod at isinuhay sa gawing likuran niya ang dalawang kamay na nakadapak sa damuhan, tinabihan ito ng paayon ng binata. “Hon, ayos din naman pala ang Lolo mo, seryoso pero may oras na nagbibiro din. Mukha siyang istrikto pero kalog din pala.” Pag-uumpisa ng binata. “Ganun talaga siya dati kapag maganda ang mood, pero pag wala, naku! Tahimik kaming lahat naninigaw iyon sa harap ng kainan.” “Kinabahan ako kanina akala ko kung ano na ang sasabihin niya sakin.” Anang binata. “Ako rin naman ah nagmukha

