Pagkatapos magpalit ng damit binaybay nila ang pasilyo papuntang garahe kung saan nakaparada ang ibat ibang klase ng sasakyan. “Wow! Ang daming sasakyan nito ah,” Nanlalaki ang matang palatak ng binatang manghang-mangha habang iniisa-isang usisain ang mga brand ng sasakyang nadadaanan nila sa garahe. Hummer-3, Toyota Land Cruiser, Isusu Crosswind, Ford Expedition, Isusu higlander, at ang dalawang Honda City na pareho ang kulay. “Kani-kanino ba ang mga yan?” Baling nito sa dalaga. “Kay Mom siguro at Dad yang dalawang kotse, wala pa yan dati, Ang service ni Papsy dati ay Nissan Patrol wala na dito, ewan kung nasaan na? Iyong Hummer malamang kay Craig siguro. Nakita ko iyan kanina na gamit nila ni Ailyn. Iyong Land Cruiser at Expedition kay Lolo. Kay kuya yang Crosswind at yang lumang H

