Pasado alas 10 pa lamang ng gabi ng makabalik sila sa Mansion. Magkahawak kamay silang bumalik sa loob ng bahay pagkatapos maibalik sa garahe ang sasakyan. Nabungaran nila sa Living Room ang magkatipang Ailyn at Craig. Nandoon din ang kanilang Ina. Kausap ng mga ito ang dalawang hindi pamilyar na tao na halatang parehong Bakla. Nahulaan nilang ito marahil ang wedding coordinator base sa mga naririnig nilang ipinapaliwanag ng mga ito. Sandaling naputol ang pinag-uusapan ng mga ito ng maramdamang dumating sila. “ Oh kumusta ang pamamasyal ninyong dalawa?” Tanong kay Irene ng kanyang ina na nakaupo sa couch pagkatapos niya itong yakapin sandali sa likuran at humalik siya sa ina. “Okey lang po Ma, Nalibang naman kami. Marami pa rin palang naggagala sa tabing dagat." Masayang pagbabalit

