Isang araw pa bago tuluyan ng bumalik sa Davao ang mga magulang kinausap siya ng binata. “Hon lagi ka na lang nagkukulong dito sa kwarto tuwing uuwi ka galing sa opisina bihira kang lumabas. Ngayon wala ka namang pasok bakit hindi ka nakiki join samin? Tapos na naming panoorin ang mga show mo hindi ka man lang sumilip mula kanina. Ano bang nangyayari sayo?" paninita ng binata. “Sabihin mo naglilihi ako,” Biglang naisagot ng dalaga dahil wala siyang maisip na dahilan “Gaga! gagawa ka na naman ng kasinungalingan. Hinihintay ka na nila sa ibaba may sasabihin yatang importante sayo ang Lolo mo pumunta ka na doon.” Mensahe sa kanya ng binata. “Hindi lang ako ang gusto nilang makausap syempre tayong dalawa. Alam ko na iyon, sige na mauna ka ng bumaba susunod na ako.” Pananaboy niya dito. I

