Kinabukasan ikasiyam pa lang ng umaga nasa Domestic airport na sila. Ilang minuto lang ang ipinaghintay nila ng maispatan nila sa ire ang private Bell 222A Helicopter ng matanda. “Ayan na sila, halika na abangan na natin sila sa gate.” Kayag ng dalaga sa binata sa VIP exit ng airport. Paglabas ng kanilang mga bisita sa Airport katakot takot na yakapan at kamayan ang nangyari. Halatang halata ang pag kagiliw ng pamilya ng dalaga sa binatang inaakala nilang asawa talaga nito. “Kumusta ang trabaho ninyo hijo? Tanong ng matanda ng nasa sasakyan na sila at kasalukuyang binabagtas na nila ang daan papunta sa bahay ng dalaga.. Napasulyap ang binata sa katabing dalaga sa front seat. Napangiwi ang dalaga, kumindat ito sa binata na waring sumesenyas na ang lalaki na ang bahalang gumawa ng dr

