Sa wakas natapos din ang mahabang pagluluto. Sarap na sarap ang dalaga sa luto niya dahil firstime niyang ginawa ito sa buong buhay niya., “Pag naparami ako ng kain awatin mo ako ha,” May himig paglalambing na tagubilin nito sa binata. “Sige lang enjoy mo lang yang tinola mo kumain ka pa.” Hinalukay ng binata ang laman ng kawali na tila may hinahanap at ng makita inilagay niya ito sa plato ng dalaga. “Ano ito?” Inosinting tanong ng dalaga. “Nagtanong pa nakita mo nang atay, masarap yan, sayo na yan.” “Ang sweet naman ng hubby ko.” Kinikilig na wika ng dalaga. “Samantalahin mo dahil kapag may baby na tayo hindi ka na makakatikim niyan.” “Huh bakit bawal ba? “ Naguguluhang tanong ng dalaga. “Eh syempre, sa kaniya ko na yan ibibigay hindi na sayo.” Natatawang wika ng binata. “Nangara

