Paglabas ng kwarto nabutan niya sa kusina na naghahanda na ng mga pansahog ang binata. “Dumating ba si aling Lourdes kanina?” Paunang tanong ng dalaga. “ Oo Day! Ay sa daming tanong niya kanina ay para akong aplikante. Noong una hindi siya makapaniwala na may itinatago kang gwapong asawa.” Saad ng binata na bahagyang itinigil ang paghihiwa ng luya. “Paano mo siya napaniwala?” “Aba ay di ng umakyat siya at makita ang ayos ng kwarto mo; ang master bedroom.” Natawa na lang ang dalaga “Mabait din pala ang matandang iyon akalain mo’y sinamahan pa nga niya akong mag-grocery. Kaya’t sa awa ko’y ayon kanda kuba sa pagbubuhat ng mga ibinigay ko sa kanya ng kami ay maghiwalay. Nahihiya pang tangapin eh, Sabi ko’y ay siya hindi na ho kayo makaka-ulit sa akin kapag ako’y tinangihan ninyo.

