Sa opisina masiglang nagtrabaho ang dalaga. Pagdating ng hapon may naisip siyang makakatulong pang lalo sa pagpapangap nila. Tinawagan niya ang binata dahil buong umaga ito na lamang palagi ang laman ng isipan niya na gaya rin naman ng nagdaang mga araw. Tinawagan niya ito at binigyan ng instruksyon kung paano makakarating sa opisina niya sa Makati. Ibinilin din niya sa Guardiya sa ibaba na papasukin kung may maghahanap sa kanyang gwapong lalaki dahil baka pahirapan pa ito na maka-akyat sa kanyang opisina. Pagkaraan ng mahigit isang oras natulala ang assistant ni Irene na si Cristy ng iksaktong makasalubong nito sa pasilyo ang binata at nagtanong pa sa kanya mismo kung saan matatagpuan ang opisina ng kaniyang amo. Nasulyapan niyang may nakatago pa itong three red roses sa likod. Natat

