Pagbalik ni Nouer may dalang saging na pinirito na binudburan ng asukal (banana cue) at dalawang baso ng malamig na inumin na may gulaman. “Wow! Ang sarap niyan ah.” “ Sinipag si Inay, ipagluto tayo ng meryenda.” Panabay nilang nilalantakan ang umuusok-usok pang piniritong saging na tinuhog sa tinidor. “Sis gaano kalaki ang tiwala mo sakin bilang kaibigan?” biglang naitanong ni Nouer habang tinutusok ng tinidor ang ikalawang saging niya sa pingan. Aktong iinom sana ng gulaman ang dalaga pero napigil ito, napalingon siya sa kaibigang ang paningin ay nasa ginagawa pa rin sa saging. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong nagtanong sa kanya ng ganon. “Ah kwan, Ah higit pa sa isang kapatid at kaibigan ang turing ko sayo kung lalaki ka nga lang baka Bf o asawa na kita.” Pabirong

