Kinabukasan halos matapos na ang pyesta pero bigo siyang makaharap ang kasintahan ng kaibigan dahil naubos ang oras nila sa pagdalaw sa mga kamag anak at kaibigan nito. Gusto sana niyang makita ng personal ang lalaki upang makasiguro. Bagamat tila matamlay pa ang dalaga dahil sa nangyari sa kaniya sa nagdaang gabi pero hindi naman nawala sa kanyang mga labi ang ngiti habang masayang nakikihalubilo sa mga taong nakakadaupang palad nila na tuwang-tuwa habang pinagkakaguluhan sila ni Nouer. Malikot ang kanyang mga mata saan mang lugar sila magpunta, nagbabakasakali na aksidenting makita niya ang hinahanap. Ramdam niyang nasa tabi-tabi lamang ito, maaring nakamasid lamang ito sa kanya palagi. Marami silang mga bahay na napuntahan. Karamihay tuwang-tuwa na nagpa-autograph pa sa kanila lal

