Mabilis na napalingon si Nouer sa dalawang magkaharap na nakatayo na halatang nabigla sa pangyayari, lalo na si Irene. Dalawang bagay ang ikinagulat ni Nouer, ang paraan ng pagpapakilala ng kasama niyang binata na hindi nila napag-usapan. Hindi niya na naisip ang mga bagay na sinabi nito sa dalaga. At ang isa pang ikinagulat niya ay ang nasaksihan niyang reaksyon ng dalawa na nagkakangitian habang tila takot na nakahawak sa dibdib si Irene habang sinusuri ang kabilang kamay na kuyom ang palad. “Ang sakit sa kamay bakit may kuryente ka?” Nakangiting konot noong tanong ni Irene sa binata. “Baka po electrostatic discharge ma’am ganon talaga kapag naghalo ang init at lamig.” Nakangiting paliwanag ng binata. “Ah okey.” Tatango-tangong reaksyon ni Irene sa paliwanang ng binata. “Oy! An

