“Opps, sorry Hon nasagi ko ‘yong takip ng kaldero."paumanhin ng binata sa mga dalagang nagulat. “It’s Okey Hon” “Ay sistah maganda yang tawagan ninyo, Okey praktisin nyo na.” Mungkahi ni Nouer na aktong uupo sa tabi ng kaibigang hindi maalis alis sa mukha ang ngiti. “Umpisahan na natin ha, kunwari totoong may relasyon na kayo mula ngayon ha, Para makabuo kayo ng chemistry.” Dagdag suhestiyon ni Nouer na kumukumpas pa ang mga kamay. Natawa si Irene sa mungkahi ng kaibigan “Naiilang pa rin ako Sis.” Protesta nito. “ Wehh! Kanino ka naiilang sa kanya o sa akin.” Pang-aasar ni Nouer. “Pareho!” Nakangiting singhal ni Irene sa kaibigan, “kainis to nag-uumpisa na naman.” anas pa niya. Dahil abala na ang binata sa pagluluto pasulyap-sulyap na lamang ito sa mga dalaga. Hindi na siya sumali s

