Sa Eroplano; Malungkot at tahimik na nakatunghay sa labas ng tapered na bintana ang dalaga. Sinisipat niya ang ma-berding kalupaan ng Pilipinas. Naiisip niya isang oras mula ngayon muli na namang sasayad ang kaniyang mga paa sa lupang pinagmulan; Ang Davao. Ang tahimik na lalawigang pinagmumulan ng mga tanyag na prutas sa Pilipinas na nakarating na sa buong mundo na gaya niya rin. Maraming masasayang gunita ang nagsasalimbayan sa kanyang kaisipan. Mga alaalala ng kaniyang kamusmusan sa piling ng mapagkalingang mga magulang kung gaano tinitingala at iginagalang ang kanilang angkan sa lugar na iyon. Matagal na sana siyang nakauwi sa pamilya pagkatapos ng tatlong taong matagumpay na pakikipagsapalaran sa ibang bansa subalit walang dahilan pa na bumalik siya sa kanila gayong sa pagkaka-al

