“Surpriseee.” Sabay-sabay na sigaw ng mga taong nabungaran nila sa loob. Pakiramdam ng dalaga naparalisa siya. Ang inis ay napalitan ng pagkabigla kaya’t nanatili siyang nakatulos sa kinatatayuan. Patakbong sumugod sa kaniya ang ina. “Irene anakkkk” Isang mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kaniya. “Mamaaa! mis na miss ko na kayo.” maluha luha niyang wika habang nakayakap sa ina. Sumunod na lumapit na rin ang Amang gaya ng Ina, mahigpit ding yumakap ito sa kaniya. Nahagip ng paningin niya ang dalawang matandang magkatabi na nakaupo sa pandalawahang sopa sa gilid ng bulwagan ng Mansion. Kumalas siya sa pagkakayakap sa kanyang ina’t ama, Walang pag aalinlangan tinakbo niya ang kinauupuan ng dalawang matanda na mapansin niya ang ngiti sa mga labi ng kaniyang Lola at Lolo. Niyakap

