Pagkatapos ng sitwasyon na tila nakasakay sila sa isang roller coaster sa naganap na pananghaliang iyon ay nagyaya na ang dalaga na bisitahin na ang kaniyang silid at dahil ang silid na iyon ang uukopahan nilang mag-asawa.(kunwari) “Gusto mo ba pasamahan ka pa namin anak.” tanong ng kaniyang ina “Mama naman siguro naman kung hindi nyo pa po ipinalilipat iyong kwarto ko ay hindi pa naman ako maliligaw na puntahan iyon.” Bahagyang napangiti na lang ang ina sa pagbibiro ng anak. “Hon halika na muna at magpalit ka na ng damit.” Tawag niya sa lalaking abala pa ring nakikipag-usap sa kaniyang pamilya. Kailangan na niya itong awatin dahil kotang-kota na sila. Bilog na bilog na ang kanyang pamilya. Pakiramdam niya kahit ang parehabang mesa sa dining room ay mukhang nabilog na rin ng lalakin

