“Maestro tila yata nakatulog na ang aking maybahay sa pagkakaupo, magsalang ka nga ng isang malamyos na awitin diyan at gigisingin ko ang kaniyang kamalayan.” narinig niyang pagbibiro ng binata bago nito ibalik sa tagapagsalita ang mikropono. Pumailanlang ang isang awitin. “Oh mga konsehales at mga pamunuan ng kabataan samahan natin si Chairman kumuha na kayo ng inyong makakapareha.” Anyaya ng tagapagsalita. “May I dance my beautiful wife?” Bulong ng binata sa natutulala paring asawa sabay lahad ng kamay. Nakangiting Iniabot ng dalaga ang kanyang kamay at tumayo, pumagitna sila sa dance floor area. Nagsigawan pa ang mga kabataan na may kasamang palakpak ng mag-umpisang magsayaw ang dalawa. We” re the king and queen of hearts Hold me when the music starts All my dreams come true Wh

