Samantala eksaktong alas-otso ng gabi ng mag-umpisa ang sayawan, nakahilira na sa upuan ang mga dalaga kasama na rin ang modelong lutang na lutang at namumukod tangi ang ganda. Nagulat pa ang dalaga dahil ang akala niya ay simpleng sayawan lamang ito sa baryo pero ng pumunta na sila sa lugar ay hindi niya inasahan na ganito pala karami ang mga tao na karamihan ay maaring mula pa sa iba’t-ibang baryo dahil mga bagong mukha ang kanyang nakikita. Halos mapuno ang malawak na Basketball court. Karamihan ay napapagawi ang tingin sa kinauupuan nila ni Lydia at Patricia na para bang kinikilatis siya. Marahil ay nagtataka ang ilan dahil may isang namumukod tanging babae na napabilang sa grupo ng mga kadalagahan sa baryong iyon. Iginala niya ang paningin sa mga nakapalibot na upuan marami-rami din

