Napahinto siya sa landing ng hagdanan ng mapansin niyang tumayo ito, marahil ay naramdaman nito ang kaniyang presensya. Isang kandila ang sinindihan nito sa ibabaw ng mesita, sumabog ang liwanag sa kabahayan kasabay ng isang instrumental na awiting malamyos na nagmumula sa kaniyang mini-component. Pakiramdam niya tumayo ang mga balahibo niya sa braso ng marinig ang Forever In love ni Kenny G. Bagamat masarap pakinggan ang mga instrumental song ngunit sinadya niyang huwag bumili ng ganong klaseng CD dahil humihila ito ng lungkot kapag nag-iisa ka. Ngunit ngayon pakiramdam niya napakasarap sa tenga. Nabawasan ang iritasyong kanyang nararamdaman sa binata, naging matiwasay ang kaniyang isipan. Sa halip na ipagpatuloy ang paghakbang sa hagdanan nagkasya na lamang siyang pagmasdan kong anong

