Naisip ng dalaga bakit nga ba hindi na lang niya sakyan ang mga trip nito habang magkasama sila total naman kinikilig naman siya sa mga kakornihan nito. Sasabay na lang siya sa agos ng kanyang damdamin. Maliban na lang syempre sa isang bagay na kailangan niyang paglabanan, Iyon ay ang ibigay ang kanyang sarili. Kailangan niyang ingatan ang kaniyang p********e na halatang kinatatakaman nito. E sino nga bang lalaki ang hindi magnanasa sa pambihirang kagandahang ipinagkaloob sa kaniya ng maykapal kung abot kamay mo na? Pagkatapos ng dinner na iyon nagtambay sa living room si Irene at nanood ng palabas sa television habang ang binata ay abala pa sa pagliligpit ng kanilang mga pinagkainan. Napangiti ang dalaga may naisip na naman siyang kapilyahan. Gusto niya talagang makabawi sa ginawang

