May naisip na namang kalokohan ang dalaga. Itinaas niya ang kaniyang kamay at marahang hinaplos-haplos ng kaniyang dulo ng daliri ang malalapad na dibdib ni Hector pababa sa abs nito. Nag react ang binata. “Ano ba yang ginagawa mo, nangingiliti ka ba?” “Wag kang magulo d’yan manood ka lang walang basagan ng trip, hindi mo ako pinapansin ha, sige lang,” wika ng dalaga na tila naghahamon. Hindi pa nakuntento ang dalaga ipinasok pa nito sa laylayan ng damit ng binata ang kaniyang kamay at mula doon ay muling dahan-dahan niyang hinimas ang malalapad na dibdib nito pababa sa tiyan. Kung kanina’y may nakapagitang damit ngayon ay balat sa balat na ang ginagawa niya. Naramdaman niya ang patlang-patlang na hininga nito. Sa pagkakaupo niya sa kandungan nito ay may naramdaman siyang gumal

