Kabanata 07 (Ang paghahanap ng matinong lalaki)

4725 Words
Three days after; “Hello! sistah may nahanap ka na ba?” “Wala pa eh, Pero nakausap ko na nga pala si Mariel kaso ayaw niyang mag recomenda ng mga kakilala niyang nag e- escort service ng malamang ikaw pala ang naghahanap baka daw mapahamak ka hindi kakayanin ng konsensya nya.” “Ah ganon ba, paano na ngayon yan?” Dismayadong tanong ng dalaga sa kaibigan. “Mahirap talagang maghanap Sister, yong  Security Guard nga namin sa ibaba kinausap ko na rin, Siguro nasa late 30’s lang ang age niya, mabait naman siya kaya lang ang problema baka hindi maniwala ang mga parent mo” “Bakit?” “Eh mukha siyang kontrabida sa pelikula baka sabihin tinakot ka lang,” natatawang paliwanag ni Nouer. “Sira! Puro ka talaga kalokohan. Hindi naman ako namimili kahit anong hitsura ng lalaki basta matino at behave siya kahit kamukha pa siya ni Max Alvarado. Kahit hindi siya mukhang mayaman o titulado. Kaso ang inaalala ko lang, Dapat talaga intelihente at kapanipaniwala talaga as-in magaling umarte dahil siguradong i-imbestigahan siya ng pamilya ko. Kaya dapat matinding orientation muna bago kami lumakad.” Pagpapaliwanang ni Irene. “Iyon nga ang problema natin eh baka kapag nakaharap na ni manong guard yong lolo mo mapa-ihi na ito sa salawal sa kaba. Kung isang ordinaryong anak ka lang ng labandera maraming pwedeng I-partner sa’yo, Ang kaso nga ikaw si Irene Mae Florendo, apo ng isa sa pinakamayamang Don sa Davao, Tapos magsasama ka sa inyo ng lalaking tatanga-tanga baka parehong hindi na kayo makabalik ng Maynila niyan.” Nag-aalalang sang-ayon ni Nouer sa maaring pwedeng maging komplikasyon kung hindi sila makakahanap ng matalinong lalaki. “Hmm sinabi pa talagang apo ng  Don, wala namang nagtatanong. Oh sige pag may time ka mamaya after office hour pumunta ka sa bahay ha maghanap tayo kahit sa gilid gilid na lang.” “Sis sorry may lakad ako.” Tangi ni Nouer. “Saan na naman ba?” “Secret! Maghahanap ng pagkakaperahan. Ay teka magkano daw ba ang ibabayad mo kung saka sakali.” “50 thou pwede na ba iyon for 3 days? “Wow ang laki naman, Ako na lang kaya, Magkukunwari na lang akong lalaki. Kunwari ako ang BF mo.” “Sira mas seksi ka pa kaysa sakin,  Maskulado ang hanap ko hindi sexy.” “Joke lang naman pinatulan ba naman.” “Sige kung hindi ka makakapunta magtawagan na lang tayo mamaya pag hindi ka na busy, Bye.” “Ma’am Renz overseas call po si Sir Yani kanina pa nasa linya.“ Biglang singit ng kaniyang assistant na si Cristy ng mapansing tapos na siyang makipag usap. “Hello Yani! bakit napatawag ka?” Tanong ng dalaga ng damputin ang kanyang wireless phone. “Day, ayos na! Nakuha na natin iyong deal sa Prime Apparels International. Nanalo tayo sa Bidding. Tayo ang gagawa ng advertisement ng lahat nilang products worlwide at may posibilidad pang 50 percent ng produkto nila na Lingerie ay tayo ang magtatahi. Multi-Million Dollar contract ito for 5 years marami tayong mabibigyan ng trabaho kung sakali.” Masayang pagbabalita ng kausap.. “Ayos! Ang galing mo talaga Bossing.” Buong paghanggang komento nito sa kasosyong nasa Dubai. “Wag ka munang magsaya may malaki pa tayong problema.”   “Ano na naman yon?” “Humihingi sila ng Performance Bond 10 percent ng total contract." “Hindi ba pwedeng e-wave yan? May Surety Bond na tayo sa kanilang 10 percent ah.” “Sinubukan ko na silang kausapin pero company policy daw nila iyon.” “Nagkausap na rin kami ni Carmel sagad na raw ang pundo natin” “Patay! Sayang naman kung hindi natin makukuha. Mag loan kaya tayo sa bangko?” “Day, naisip ko na yan pero walang bangko na agad-agad magpapautang ng ganoon kalaking halaga.” “Magkano na ba ang total asset natin?” “Hay naku po! hindi ka yata nagbabasa ng financial report di ba nga nag-expand tayo. Nagdagdag tayo ng gamit kaya malaki iyong nagastos natin sa pagbili ng mga electronic equipment sa wedding coverage natin,  As of now 50 percent lang ng hinihinging bond ang kaya natin pero hindi natin pwedeng isugal iyon dahil kapag sumablay tayo baka sa bundok Banahaw na lang tayo manirahan pare-pareho, Magtatanim na lang tayo doon ng kamote.”  Natawa ng bahagya ang dalaga sa kabilang linya sa banat na biro ng kausap “Wala na ba tayong magagawang paraan?” “Mayroon pa,iyon ay kung papayag ka sa naiisip namin ni Carmel” “Ano iyon? tell me sis.” ……………………………. Pagkatapos ang usapang yaon malungkot na ibinaba ng dalaga ang handset ng Wireless Phone sa base nito, napasandal siya sa kanyang swivel chair. “Criss! black coffee nga please.” Sigaw ni irene habang nakayukong pasabunot na hinahaplos ang kanyang mahabang buhok. “Ma’am! are you sure?” Gulat na tanong ng kanyang assistant na nasa kabilang side lang ng kanyang opisina. Kailan man hindi nito natatandaang uminom ng kape ang amo. “Oo tama ang narinig mo susubukan kong uminom ng black coffee baka mawala ang sakit ng ulo ko.”   “Teka ma’am, wala tayo dito bababa na lang ako saglit sa cafeteria para ako na mismo ang magtitimpla para sa inyo.” wika nito ng nasa harap na ng lamesa ng dalaga.  “Yan ang gusto ko sayo Cris sulit ang pinapa sweldo ko sayo.” “Yan din ang gusto ko sa inyo ma’am, kahit saksakan ka ng dami ng problema cool ka lang palagi.” “Nambola pa, sige sa December may bunos ka, lakad na,” Pananaboy nito sa kanyang assistant at nagsisilbing sekretarya na rin. “Ikaw na talaga ma’am, bukod sa napakaganda na, mabait pa. Makatagpo ka sana ng lalaking paliligayahin kang palagi.” nakangiting palatak ni Cristy habang humahakbang papalayo.   Nagkibit-balikat na lang ang dalaga sa tinuran ng assistant habang tinatanaw niya ito palabas ng kaniyang opisina. “Magdilang anghel ka sana,” usal niya. ======  “Hello kuya, negative! Nakausap ko na ang lending noong kakilala ko naghahanap sila ng titulo eh. Diba nasa bangko ang titulo noon dahil isinangla nga ni tatay ng hindi natin alam? Tapos iyong isa naman maliit lang ang kaya nilang ipahiram tapos ang laki ng tubo e ang gusto ko sanang mangyari total mangungutang din tayo e di yong saktong pantubos na.” Malungkot na tinig ng dalaga habang nagsasalaysay sa kapatid. “Hayaan mo na Ineng ganun talaga, Salamat sa tulong mo ha, mag-iisip na lang siguro ako ng ibang paraan. May awa ang Diyos Ineng wag tayong mawalan ng pag-asa” malungkot na sagot ng binata. “Pasensya na po talaga Manong, wala talaga eh, pero may tatlong lingo pa naman tayo, magbabakasakali  pa rin ako.” “ Ah, ay katigas ng ulo ng batang ari, Wag mo na ngang problemahin yon Ineng pag wala talaga ay hayaan mo na ikako.”  Nagulat ng bahagya ang dalaga at sandaling nai-angat mula sa pagkakadikit sa tainga ang hawak na cellphone at konot noong napatitig siya dito bago muling ibinalik sa kanyang tenga, Kung dati halos magmakaawa ang kanyang Kuya ngayon naman parang ipinagsasawalang bahala nito ang kanilang napag-usapan.  “Kuya! Ikaw ba eh bagong gising o puyat? Pag-iiba ni Nouer para ibahin ang paksa lalo at nararamdaman niya na parang hindi normal ang boses nito.  “Ay Bakin ga?”  “Bakit husky ang boses mo?”  nagtatakang tanong ng dalaga. “Nandito ako kina HECTOR naririnig nga niya na nag-uusap tayo kumusta ka na daw? “Ngek! ikumusta mo na lang din ako sa tarantadong iyan pakisabing buhay pa ako. Ano bang ginagawa ninyo diyan?” “Ito alam mo na,kaunting Barik  habang nagbibidahan. Pumasyal ako dine sa Bayan at ako’y nabuburyong sa bahay.” “Ayon kaya pala.” Tila nang-i-insultong wika ng dalaga. “Kuya! Pakisabi sa mokong na iyan na wag na kayong lalabas pagkatapos niyan baka mambabae pa kayo malilintikan siya sakin.” Dagdag pa ng dalaga. “Oyy! concern siya,” Pagbibiro ng kapatid. “Hindi ako sa kanya concern, Ano ko ba siya? Sa’yo ako nag-aalala dahil magmamaneho ka pa pauwi mabuti kong hindi pasira-sira iyang Owner mong kakarag-karag.” “Ay, biglang nalungkot si Hector akala daw niya ay siya ang inaalala mo ako pala," Kantiyaw ng kapatid na sinundan ng halakhak. “Hay naku, kuya bye na at ako’y magluluto pa nang hapunan ikumusta mo na lang ako kina nanay. Sabihin mo na mi miss ko na siya, uuwi din ako kung ayaw niya akong dalawin dini sa Manila at pakisabi nga pala kay Cardo na naihulog ko na kanina ang allowance niya.” mahabang litanya ng dalaga.   Kung pag-a-aralang mabuti ang salitang, (Sabihin mo na mi miss ko na siya, uuwi din ako kung ayaw niya akong dalawin dini sa Manila) ay hindi ito salita para sa kanyang ina kundi salitang pahiwatig ito sa lalaking nakikinig sa usapan nilang magkapatid. “Copy po madam salamat, Nakakahiya na talaga, pati ako’y nagiging pabigat pa sa iyo.” “Madam ka dyan! Kuya tama na yan ha umuwi ka na, Bye.” Paalala ng dalaga sa kapatid dahil alam niyang nakarami na ito ng nainom ayon sa timbre ng boses nito.  Nakasimangot na pinindot ng dalaga ang kulay pulang botton dahil nakaramdam siya ng inis sa kapatid. May problema na nga silang dalawa nagagawa pa nitong mag-relaks at makipag-inuman sa halip na unahing ayusin muna ang problema nila sa pera. Paano sila mag-uusap ng maayos kung mas inuna pa nito na biruin siya tungkol sa kaibigan nito.  Parang naisip niyang pabayaan na lang ito kung ganon din lang naman pala ang mangyayari.  Pagod na pagod siya sa kahahanap ng mga Lending investor na pweding mautangan samantalang parang balewala naman sa kapatid.  Bibitawan na sana niya ang kanyang cellphone ng may mapansin siya sa notification  na may tatlong message receive. Napangiti siya habang binabasa ang nakasulat, “Tarantadong Hector yon habang nag-uusap kami ni Kuya sumasalisi pala,” nasabi niya sa kanyang isipan.  Biglang sumagi sa kanyang alaala ang lihim na usapan nila ng lalaking kaibigan ng kanyang kapatid bago niya lakbayin ang mundo ng pagiging isang ganap na Modelo. “Basta mag-iingat ka ha, maghihintay ako sayo kahit pumuti pa ang buhok ko, promise.” Huling tagubilin nito sa kanya ng magkasarilinan sila noong panahong inihatid siya ng ina sa Batangas Pier papuntang Maynila at ang lalaking ito naman ang nagsilbi nilang driver. Hindi na siya naihatid ng kanyang ama at ng kanyang kuya dahil kapwa may meeting ang mga ito sa kapitolyo ng lalawigan ng mga panahong yaon.  Highschool pa lamang siya ay patagong nagpaparamdam na ng damdamin sa kanya ang lalaking ito na kaibigang matalik ng kanyang kuya. Palihim kung sila’y mag-usap ng binatang ito dahil siguro sa takot ito na kanyang kapatid at maaring umiiwas din ito na siya pa ang maging dahilan  ng argumento sa pagitan ng magkaibigan. Noong college na sila marami ang gustong pomorma sa kanya pero naiilang dahil sa respeto ng mga ito sa kanyang kapatid na halos kaibigan ng lahat ng mag-aaral sa buong eskwelahan. Alam ng karamihan na mas overprotected pa ang kanyang Kuya keysa sa kanilang Ama. Hindi siya makagala o makapunta sa anumang okasyon na hindi naka-alalay ang nakakatandang  kapatid.     Sa i-isang lalaki lamang siya ipinagkakatiwala ng kanyang Kuya; sa lalaki ngang ito. Na alam niyang seryoso at mahal talaga siya, kaya’t patuloy pa rin itong naghihintay at umaasa. Pero sabi nga ng matatanda” walang amoy na hindi sisingaw” kaya isang panahon nagtataka siya bakit palaging binibiro siya ng kanyang kuya tungkol sa lalaking ito.  Dahil magkaibigang matalik nga ang dalawa siguro ay nagtapat na rin ito sa kanyang kapatid na may lihim na silang unawaan, bagamat wala pa naman silang formal na relasyon. Muli siyang napangiti sa isiping may lalaking handang maghintay at nanatiling tapat sa binitiwang pangako nito sa kanya.  Nakakataba ng Puso na marami pa rin namang magigiting at mababait na binata sa kanilang lugar na gaya ng itinatangi niyang binata. May kumislap na ideya sa kanyang isipan. Minasdan niya ang nakarehistrong pangalan ng lalaking nagpadala ng mensahe. Gusto niya sanang magpatulong dito, baka sakaling may kaibigan ito na pwede nitong ma-e-rekomenda sa kanila. Subalit nag-atubili siya ng pi-pindutin na ang call button dahil nakaramdam siyang bigla ng hiya sa sarili na idamay pa sa problema nila ni Irene ang taong ito.  Nagmesage na lang siya, “ Tama na iyang inuman nyo pauwiin mo na si Kuya, Huwag na huwag na kayong lalabas pa, lagot ka sakin.” ****** “Hello Sistah. Dalawang araw na lang pakiramdam ko bibitayin na ako, wala ka pa bang nahahanap na lalaki ko?” Muling untag ni Irene sa kaibigan ng tawagan niya ito sa telepono. “Wow lalaki mo na ngayon ha, wait! mamaya after office hours may ipapakilala daw sayo si Liezel.  “San daw niya napulot?” Nakangiting tanong ng dalaga na tila nabuhayan ng pag-asa. “Kapitbahay daw nila iyon na waiter gwapo daw at mukhang disente, Baka sakaling magustuhan mo kaso malaki ang hinihingi 70thousand daw, kasi pang placement yata sa Agency dahil balak daw mag-abroad.”    “Wow! Okey yan atleast after ng lakad namin e lalayas na pala siya. Pero ang mahal naman yata. Tawaran mo 3 days ko lang naman siyang aarkilahin kung lalampas plus 10k siya kada araw.”  “Patusin mo na ‘yong presyo niya. Ngayon ka ba mag-iinarte e wala na tayong panahon?” “Hmm  sige i-try mong isama sa bahay mamaya.” “Sa Glorietta na lang daw kasi may duty pa siya mamayang gabi.” “Ah okey sige” -====== Ikapito nang gabi, sa napag-usapang tagpuan; "Sis past seven na nasaan na daw ba si pogi?” Tanong ng waring inip na inip na si Irene habang naghihintay sila sa loob ng isang Fine Dining Restaurant sa kahabaan ng Pasay Road sa Makati. Tapos na rin silang kumain dahil medyo napaaga ang dating nila. “Atat naman to, Wait lang, On d-way na daw sila, Sa FTI pa sila manggagaling baka na-traffic lang.” Sagot ni Nouer habang ibinababa sa mesa ang kanyang cellphone. “Two days na lang kapag wala pa mapipilitan na talaga akong mag papa advertise bukas .” “Ano namang ilalagay mo?” Natatawang tanong ni Nouer sa pagkadesperada ng kaibigan kahit alam niyang hindi nito gagawin iyon. “Eh di wanted asawa. Para sure ang ilalagay kong pic ay iyong pinaka seksing photo ko noong rumampa tayo sa Budapest para siguradong maraming pipila.“ “Alin! Iyong ang soot mo ay yong manipis na damit tapos walang pang ilalim?” “Mismo.” Kahit naiinis sa kaibigan napabunghalit na lang ng tawa si Nouer, “Desperada ka na talaga ha, Magtigil ka nga kahit mga Ramp model tayo wag mong ibuyangyang sa publiko yang kapurihan mo.” “Teka maiba tayo may tsismis pala ako sayo makinig ka. Tumawag sakin si Ailyn kagabi ang tagal naming nag-usap nila mama. Tuwang tuwa sila nang malamang maayos naman ang lagay ko dito. Napag-usapan na rin namin ang kunwaring BF ko. Kunwari din na sinabi ko ang lihim ko sa kanila na kasal na kami last month lang, Nagpa secret marriage na kako  kami.” “Gaga ka talaga! Puro ka kunwari, eh bakit mo sinabing ganon? Lalo mo lang pinabibigat ang problema mo.” Dismayadong reaksyon ni Nouer na parang gusto na niyang kutusan ang kaibigan. “Eh kasi pumasyal daw doon noong makalawa si Francis at na i-kwento ni Lolo na baka nga daw umuwi ako.  Sabi pa ni Ailyn pakiramdam daw niya parang buo pa rin daw iyong balak ni Lolo na ipakasal ako kay Francis kung sakali  kasi balita ko connected na pala ito sa company siya yata ang Corporate Lawyer.  Para matigil na yang issue na yan, sabi ko sabihin na niya kay Lolo na isasama ko ang BF ko pauwi para makilala nila. Kaso alam mo naman si Lolo intelihente iyon, Eh kung igisa ang kunwaring Bf ko at mapaamin niya na nagsisinungaling lang pala ako eh lalong baka tuluyan na nila akong  itinakwil. Kaya naisip ko para wala ng gaanong tanong sasabihin kamo nila na Married na kami para hindi na mangulit si Lolo. Ayon, sabi ko kapag bumalik ulit si Francis tapatin na nila na may asawa na ako.” Mahabang pagpapaliwanag ng dalaga sa kaibigang manghang mangha sa muling paghahabi ng kasinungalingan sa sariling pamilya. “Sabagay gets ko ang rason mo, Nauunawaan ko ang punto mo Sistah kaya lang ang ina-alaala ko baka lalo kang malagay sa alanganin.” “Bakit naman?” baling ng dalaga sa kaibigan.  “Sinabi mo kasing married na kayo, Kung Boyfriend baka pwede mo pang gawing defense mechanism na gentleman siya kaya medyo aloof pa kayong kumilos, Pwede pa kayong hiwalay matulog, Pero kapag asawa na napakahirap ng ilusot, Unang-una dapat tabi na kayong matulog noon alangan namang sa guest room mo siya patulugin.” Seryosong paliwanag ni Nouer sa pweding mangyari kung sakali. “Ganun ba iyon? Oo nga ano, Yukss, kaya ko bang tumabi sa lalaking hindi ko naman kakilala?” Nanlalaki ang matang wika ng dalaga habang natotok ang dibdib. “Hay naku! Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang tatanga-tanga? Iyan na nga ba ang sinasabi ko sayo hindi ka nag-iisip, pabigla-bigla ka. Ginagawa mo’ng kumplikado ang lahat, Ang sarap mong kutusan Irene Mae.” Nanggigigil na wika ni Nouer sa kaibigan habang nagpipigil sa sarili dahil nasa public place sila mabuti na lang at wala silang malapit na katabi sa mga mesa. Dahil kung hindi siguradong makiki-tsismis ang sinumang makakarinig sa matensyon nilang usapan.  Natahimik na lang si  Irene, Napayuko na lang ito na tila napapahiya ng marealise ang dagdag na kamaliang nagawa. Napasulyap naman si Nouer sa labas, eksaktong namukhaan niya ang babaeng paparating, may kasunod itong isang lalaki papasok na ng pinto. “Ohh ayan na pala sila.” Wika ni Nouer habang nakatingin sa palinga lingang babae. Kinawayan ito ni Nouer ng mapatingin sa gawi nila.   Napatingin din si Irene. Napansin niyang papalapit ang mga ito sa kinauupuan nila malayo pa nakangiti na ang babae habang konot noong inaninag siya. “Hello mga ma’am,” Bati ni Liezel nang nasa harapan na nila; Isa ito sa mga tauhan ni Nouer sa kaniyang departamento na ngayon lang nakita si Irene. “Siya ba si Ma’am Irene napakaganda pala niya?” Buong paghanggang wika ng babae. Simpleng ngiti lang ang ibinalik ni Irene sa babae. “Mam si Vic po,” Pagpakilala nito sa lalaking kasunod  ng babae na nagpapalipat-lipat ng tingin sa magkaibigan. Para bang hindi ito makapaniwala na ganito pala kagaganda ang babaing makakaharap niya. Sinipat ito ng dalaga, gwapo nga ito maganda ang tindig at kaiga igayang pagmasdan,  Malaki ang katawan at mukhang artistahin. Mukha sanang disente ito kung hindi sa makapal na bigote nito. “Hello po mam sino po ang sasamahan ko?” Bungad na tanong ng lalaki sa baritonong boses nito. Lalaking lalaki nga ito. Pakiramdam ni Irene pwede na itong pagtyagaan basta maayos lang kumilos. “Zhel maupo muna kayo” alok ni Nouer. Tumalima ang dalawa, ang babae ay katabi ni Irene samantalang ang lalaki ay naupo sa pagitan ni Liezel at Nouer nagkatapat sila ng upuan ni Irene. Iniabot ni Nouer sa mga ito ang menu Book, “Omorder muna kayo bago natin pag usapan ang deal.” “Wag na po mam busog pa kami,” tangi ng babae. “ Umpisahan na po natin para makarami.”  Nakangiting wika ng lalaki na parang atat na atat ng malaman  kung sino kina Nouer at Irene ang kanyang magiging kliyente.           “Okey, Vic kaya mo bang magpanggap na Boyfriend  nitong kaibigan ko?” Bungad na tanong ni Nouer.  Sumagot ang lalaking titig na titig sa kagandahan ng dalaga. “Kahit po magpanggap akong asawa niya okey lang, sa ganda niya kahit po libre papayag ako.” Konot noong nagkatinginan ang magkaibigan sa hindi nila inaasahang pahayag ng lalaking kaharap kung nagbibiro lamang ito o nagsasabi ng totoong nararamdaman. “Ah eh 3 days lang naman kung saka sakali. Babayaran ka namin ng 50 thousand at kung lalagpas pa may additional kang 10k kada araw, okey na ba sayo yun?”Paliwanag na muli ni Nouer. “Kahit nga po libre payag po ako basta ba wag niya lang akong gugutumin.” Nakangiting sagot ng lalaki na para bang may halong malisya sa lagkit ng pagkakatingin kay Irene. “Akala ko ba mag-aabroad ka at kailangan mo ng pang placement sa agency?” Tanong muli ni Nouer. “Pwedeng hindi na siguro kung magiging okey ang lakad namin ni ma’am” Makahulugang sagot nito habang pangiti ngiting nakatitig kay Irene. “Kung gusto niya ng bodyguard pwede rin po ako.” dagdag pa nito.   Sumingit na si Irene sa usapan “Excuse ha, sige ganito na lang kokontakin ka na lang namin bukas.” Wika nito sa lalaking sobrang lagkit pa rin ng tingin sa kaniya. Pagkatapos ay ang tumatayong agent naman na babae ang kinausap ni Irene. “Zhel siguro pag-uusapan na lang natin bukas iyong ibang detalye, Mauna na kami ha may lakad pa ako.” Paumanhin ng Dalaga sa babaeng contact ni Nouer habang inaayos sa kanyang balikat ang strap ng kanyang shoulder bag. . “Tara na Uer at naghihintay na si Yani.” Anas nito sa naguguluhang kaibigan. Gulat na sumunod na lang si Nouer pagkatapos magpaalam sa mga kaharap tinalunton na nila ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Irene. “Sis sablay,” iiling iling na anas ni Irene ng balingan ang nasa likod na kaibigan. “Na orient naman daw siya ng maayos ni Liezel na magkukunwari lang siyang BF mo, Ewan ko kung bakit ganoong magsalita iyon,” dismayadong wika ni Nouer. “Napakagulo naman palang kausap noon,mukhang oportunista at m******s pala ang lalaking iyon,” Iritadong tanong ng dalaga sa kaibigan. “Oo nga napansin ko rin, tingin pa lang parang hinuhubaran ka na mukhang may hindi mabuting gagawin sayo.” “Mabuti kung hinuhubaran niya lang ako sa tingin, eh pakiramdam ko ginagahasa na niya ako kanina kaya hindi na ako nakatiis nagkunwari na akong may lakad pa tayo. Ang lagkit makatingin, Mukhang naka Drugs ata eh. Halika na nga umuwi na tayo gusto kong maglupasay sa bahay.”    Pagdating na pagdating nila ng bahay nilapitan ni Irene ang refrigerator, “Sis may apat na latang beer pa ako inumin na natin” Aya nito sa kaibigan . “Kailan pa ba yan dyan?” “Last new year pa.” “Ang tagal na niyan ah bakit hindi mo pa yan inubos” “Tungek, nag iinom ba akong mag isa?” inihagis nito ang isang malamig na lata sa kaibigan na nasalo naman nito. “Hay buhay! Bakit ba tayo napasok sa problemang ito.” Wika ni Nouer kasunod ang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos na ibagsak sa malambot na sopa ang katawan. Tahimik lang si Irene na mukhang may malalim na iniisip habang nanatiling nakatayo hawak ang lata ng beer. Nabalot sila ng sandaling katahimikan ng kapwa umiinom ng alak. “Ano nga bang mabuting gawin?” anas ni Nouer. Bigla na lang nitong dinampot ang cellphone na ibinaba kanina sa ibabaw ng mesita, “Sistah may isa pa akong na-iisip bahala na magbakasakali tayo siya na lang ang kaisa-isang lalaki na alam kong makakatulong sa atin.” Wika ni Nouer habang pinipindot-pindot ang kaniyang Cellphone. Walang kibong tinapunan na lamang ni Irene ng tingin ang kaibigan. “Sis wag kang maingay ha, ilalagay ko sa speakerphone para marinig mo rin.” paalala ni Nouer habang idinadampi ng pa krus sa labi ang hintuturo. Nakatatlong ring ang cellphone bago may sumagot. “Hello kuya, nasa bahay ka ba?”  “Nandine ako sa Centro kapulong ko aring mga talubata dine. A ay balak yata ng mga ari na mangharana maya-maya. Nagpapagab-i la-ang kami, bakit ka baga napatawag may goodnews ba?”  “Kuya gusto mo bang magkapera?” Napapangiting wika ni Nouer sabay kindat sa kaibigan na tila ba inookray ang kapatid sa kabilang linya. “Ano baga namang klasing tanong iyan Ineng? Aba’y oo naman.  Sino baga naman ang aayaw?” Narinig nilang sagot ng binata sa kabilang linya na waring sa himig ay nagtataka at iritado. “May nag-aalok ng Escort service 50 thousand daw ang ibabayad.” “Bangag ka ba ineng, lasing o nasisiraan na ng bait?" Nanggigilalas na tanong ng  binata sa kabilang linya halata sa boses nito ang pagka-gulat dahil  napataas  ang tono nito sa pagsasalita.   Nagkatinginan ang magkaibigan, napangiwi si Nouer, nakaramdam siya ng hiya sa sinabi ng kapatid. Nagkamali siya ng paraan ng pakikipag-usap sa kanyang Kuya dahil ayaw niyang ipaalam kay Irene na may problema silang magkapatid na dapat ding masolusyunan. “Porket alam mong nagigipit ako, pati ako na kapatid mo ibubugaw mo!”Narinig nilang  galit na wika nito. “Eh Kuya, sayang din ito panggastos-gastos nyo.” Pagbabakasaling paliwanag ni Nouer na medyo napakagat pa sa daliri. “Ineng hindi pa naman kami sumasala sa oras ng pagkain hindi ko pa ginugutom sila nanay at kaya ko pang maghanap-buhay ng marangal kaya wag mo akong isali dyan sa kalokohan mo.” Mariing wika ng lalaki sa kabilang linya. “Wow! Ang Suplado naman pala ng kuya mo.” Hindi nakatiis na singit ni Irene. “Kuya, hindi naman gaya nong Escort service na iniisip mo ang ga…” Hindi na naituloy ng dalaga ang sasabihin narinig niyang nagsalita ang galit na kapatid sa kabilang linya hindi na siya binigyan nito ng pagkakataong makapag paliwanag. “Kahit ano pa yan wag mo akong kalakalin kapatid mo ako.  Sabihin mo diyan sa kung sino mang matronang yan na nasa lugar lang ang pagsusuplado ko at karapatan ko iyon. Wag ninyo akong isali diyan sa kalokohan ninyo Ineng. Hindi nakakatuwa hindi porke’t  Advertising agency ang hanap buhay mo ay pati ako ibebenta mo na.”  “Kuya ma….” Toottt.. Narinig na lang nilang tunog mula sa hawak na cellphone ni Nouer. “Hmmm sablay, mali nga yata ang pasok natin, pati Kuya ko nagalit na rin sakin pinatayan pa ako ng telepono.” Malungkot na wika ng dalaga habang inilalapag nito ang cellphone sa sopa. Naisabunot nito ang kamay sa mahaba at itim na itim na buhok. “Nagalit siguro dahil narinig agad ‘yong bayad akala niya binebenta ko siya, patay ako nito sa Kuya ko sis, iba pa namang magalit iyon baka hindi na ako kibuin noon,” nag-aalalang dagdag pa ni Nouer . “Ikaw kasi eh, Binigla mo dapat pinag-isipan muna nating mabuti kung paano ang magandang approach. Kinausap mo sana siya ng maayos.  Sinabi mo kasi agad na Escort service e alam mo namang bad impression sa mga Pilipino ang trabahong iyon.” Paninisi ni Irene sa kaibigan. “Pasensya na sis mali talaga ako napagkamalan ka pa tuloy ni kuya na matrona. Mahirap nga itong napasok natin sis pati iyong kapatid kong saksakan ng bait nagalit pa sa kagagahan natin.” Kapwa sila natahimik na lamang.  Sunod-sunod na pagtunga ng alak ang ginawa ni Irene.  Naisip ng dalaga na ng dahil sa kanyang pagiging careless ay aksidenting nailagay niya ang sarili sa masalimoot na pangyayari na maaring magbilad sa kanya sa kahihiyan at lalong sumira sa kanyang pagkatao sa paningin ng kanyang pamilya. Nagdamay pa siya ng ibang tao. Awang-awa naman si Nouer sa kaibigan na parang nawawalan na ng pag-asa. Sa isip ni Nouer pati ang kahuli hulihan niyang alas ay naisugal na niya subalit  nagkamali siya ng diskarte kaya’t natalo sila sa laban. Saang lupalop ng mundo sila maghahanap ng matinong lalaki, mayroon pa ba? “Wala na! wala na, suko na ako!”  Iiling iling na anas ni Irene habang tila nauubusan ng lakas na napaupo sa malamig na baldosa na para bang nababasa nito ang tanong ng kaibigan sa kanyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD