“Wahh alak pa,” Sigaw ni Irene matapos ibalibag ang lata ng beer na wala ng laman. Binuksang muli nito ang isa pang lata at walang sabi-sabing muling ininom. “Relaks lang sis may dalawang araw pa tayo para maghanap, Wag mong kalimutan lahat ng problema may solusyon.” Wika ni Nouer habang inaalo ang nagpupuyos na kalooban ng kaibigan. “Lahat nga siguro meron, Pero ang sakin wala na. Hindi na lang ako uuwi samin itakwil na nila ako habang buhay okey lang, sana’y na naman akong nag-iisa.” Dismayadong wika ng dalagang halata na nagpipigil maluha. “Pwede ka naman sigurong umuwi kahit wala kang kasama sabihin mo na busy, biglang umalis ng bansa iyong boyfriend o asawa mo kaya hindi mo nakasama,” Mungkahi ni Nouer. “Ano! Ikaw naman ngayon ang nag-uudyok na dadagdagan ko na naman ang kasin

