Madilim pa ang paligid. Malamig sa balat ang simoy ng hangin na galing sa bukas na bintana ng unang byahe ng bus na papuntang Calapan pier subalit mainit ang pakiramdam ng magandang dalaga na may bandanang lambong sa ulo. Isa siya sa halos mahigit-kumulang sampung pasahero ng bus. Malayo ang nilalakbay ng kanyang diwa kaya’t kung hindi pa siya tapikin ng konduktor ay hindi niya mamalayang inaabutan siya nito ng teket. Nagsasalitan sa kanyang guni-guni ang eksenang naiwan at ang naghihintay sa kanyang buhay sa hinaharap. Mahapdi sa puso ang malungkot na pagkatuklas sa nakaraan, ngunit masalimoot sa kanyang balintataw ang haharaping buhay na hindi niya alam kung papaano? Pakiramdam niya nag-iisa na naman siya sa mundo; Walang karamay, wala kahit isang kaibigang matatakbuhan. Bagamat p

