“Kuyaaaa!” Sigaw ni Nouer. Napabalikwas siya ng bangon sa pagkakahiga. Hindi na niya nagawa pang ayusin ang sarili at patakbo siyang lumabas ng kwarto. Pababa pa lamang siya ng hagdanan ay hindi na niya napigilang sumigaw. "Naaaay! Si kuya?” “Ha! Bakit? Nandito ang Kuya mo sa kusina nagkakape kausap namin ng tatay mo.” Pasigaw ding sagot ng ina. Halos magkandarapa siya sa hagdanan pababa upang gumawi sa kusina. Nang mabutan ang kapatid na nakaupo sa harap ng mesang pamingalan nayakap niya ito ng mahigpit. Napahagulgol siya ng Iyak habang nakasubsob sa dibdib nito,. Naguguluhang nagkatinginan na lang ang Kuya niya at ang kanilang mga magulang sa inaasal ng dalaga. “Ano bang nangyayari sayo?” Naguguluhang tanong ng kanyang Kuya. “Akala ko totoo na yung panaginip ko.” Hindi na

