Parang nakaramdam siya ng katahimikan ng araw na iyon dahil iyon ang unang gabi na tumigil na siya sa pag-iisip kung saan niya hahanapin ang dalaga kaya naman nakatulog siya ng mahimbing. Maayos na tulog na ngayon niya lamang naranasan mula ng simulan niyang maglakbay. Pag-gising kinabukasan ay inabala niya ang sarili sa paglalaba at paglilinis ng kaniyang kwarto kapag nakaramdam ng antok ay itinutulog na lamang niya upang makabawi sa halos ilang buwang pagpapakahirap sa sarili. Ngunit kahit anong gawin niyang pahinga ay may nararamdaman siyang hindi maganda sa kanyang katawan parang pagod pa rin siya. Nagpasabi siya kay Tata Ambo na ipagpaalam muna siya sa kanilang amo na mga tatlong araw na hindi muna siya papasok sa trabaho dahil bukod sa masakit pa ang kanyang mukha at katawan a

