Sa paglipas ng ilan pang mga gabi naging ordinaryo na lamang sa mga mata ng tauhan ng club na nandoon siya. Kapag alam niyang nandoon ang babae. Pumapalya lamang siya ng pagpunta sa club kapag naka schedule ito sa ibang lugar. Pagdating niya at hindi na siya tatanungin ng waiter kung anong order niya kundi paglapit nito ay may dala ng isang bote ng malamig na beer. Naging routine na lamang sa kanya na palaging tahimik na nakaupo at nagpapalipas ng oras habang bahagyang umiinom hanggang abutin ng closing time. Hindi naman siya nagtangkang gambalain pa ang dalaga kuntento na siyang pagmasdan ito sa stage kapag nagpe-perform. Habang tumatagal ang panahon na pinapanood niya ito mula sa malayo ay nadaragdagan ang nararamdamang panghihinayang. Mas lalo pa siyang humanga sa taglay na kaganda

