Tumila na ang ulan pansamantala. Sumisilip ng bahagya ang sikat ng araw sa pagitan ng maitim na alapaap sa papawirin. Malapit na sa katanghalian ng araw ng makarating ang babae sa kaniyang inuupahang bahay. Pagbaba niya ng taxi may napansin siyang kakaiba sa mismong pintuan. Tila may nakahigang tao, agad niyang nahulaan kung sino ito. “ Napakakulit naman nito at talagang dito pa talaga sa harapan ng bahay ko natulog.” anas niya sa sarili. Nilapitan ng dalaga ang binatang nakabaluktot sa pagkakahiga sa harapan ng kaniyang bahay, hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Bagamat naiirita siya subalit sa ayos ng lalaki ay nahaplos ng habag ang puso niya alam niyang nabasa ito ng ulan kaninang madaling araw, halata pa sa sout nitong pantalong maong at jacket na may ilang parte na mamasa pa sa ka

