Hinanap niya ang pangalang Nouer pero wala siyang Makita.“Paano ko siya makokontak?” Nanlulumong anas niya. “Ah alam ko na.” Sinubukan niyang hanapin ang numerong may pangalang Ineng. Excited siya ng mag-ring ang numero. “Sagutin mo Please!” Nakailang tawag siya ng pupungas-pungas na sumagot ang nasa kabilang linya na boses babae dahil halos hating-gabi na. “Hello! Kuya madaling araw na bakit napatawag ka nakita mo na ba siya?” Malamlan na boses nito. Atubili siya kung anong sasabihin sa kabilang linya. “Ah..Sistah! ako ito.” “Sisterrrrrrrrrrr,!” pasigaw na wika ng kausap ng mabusisan siya, pakiramdam niya ay halos magtatalon pa ito sa tuwa. “Thanks God, nagkita na pala kayo miss na miss na kita ano bang nangyari sayo? Hindi na halos natutulog ng kakahanap sayo si Kuya, nasaan

