Sa araw mismo ng kasal madaling araw pa lamang ay masiglang naglakbay na ang dalaga. Bukod sa gusto niyang masaksihan ang kahanga-hangang pag iisang dibdib na ito sa pagitan ng bunsong anak na babae ng isa sa mga kinikilalang pinakamayamang negosyante sa Pilipinas at ng Bodyguard nito na gaganapin sa hardin ng pinaka-sikat na Hotel sa Tagaytay na pag-aari mismo ng ama ng bride ay gusto niyang makita kung paano kumilos ang mga tauhan nila. Dahil wala naman siyang alam sa mga technical aspect akala niya ay wala siyang maitutulong sa grupo ng VP for Sales And Production na si Carmel na tumatayo ngayong Floor director/Manager sa wedding set-up and coverage na iyon kundi bigyan ng moral support ang kanilang mga tauhan. Umaga pa lang habang naghahanda ay inisa-isa niyang lapitan ang bawat se

