Ilang Buwan ang matuling lumipas pinilit ng dalaga na burahin na ang mga alaala ng pekeng asawa. Pero pakiramdam niya napakababa ng Moral niya bilang babae, bilang isang iginagalang na amo, bilang isang tao. Pakiramdam niya lahat ng ginagawa niya sa buhay ay wala ng kabuluhan. Isang umaga, kasalukuyang tahimik na nakatanaw si Irene sa transparent na salamin. Mula sa ikalawang palapag tinatanaw niya sa ibaba ang kanilang mga trabahador na abala sa kani-kaniyang assignment. Matagal na siyang hindi pumapasyal sa lugar na ito kaya’t naninibago siya sa mga nasasaksihan. Ibang-iba na ang hitsura nito ngayon keysa noong nagsisimula pa lamang sila sa negosyo. Nakakatuwang isipin na nagkaroon ng kaganapan ang pangarap nila na mabigyan ng trabaho ang ilang mahihirap na kababayan. Halos naging tr

