Humantong sila sa isang Fine Dining Restaurant sa D-fort. Habang kumakain “Sis!Magkwento ka naman ang tagal na nating hindi nagkikita ah,” Umpisa ni Irene. “Ano bang e kwe-kwento ko sayo, gaya pa rin naman ng dati ah, puro problema, trabaho bahay may nabago pa ba?” Mabilis na sagot ni Nouer. “Ow, parang hindi eh, hoy! kilala kita, bakit parang buhay na buhay ang mga mata mo kumukutitap pa, mukhang may inililihim ka sakin ha, mayroon ba akong hindi nalalaman?” Pangungulit ni Irene sa kaibigan. Natawa ang kaibigan .”Wala! Masaya lang siguro kasi hindi na ako kinukulit ng Kuya ko dahil natubos na yong sangla sa lupa kaya medyo nakahinga na ng maluwag. Oy salamat pala sa tulong mo ha.” “Hindi tulong iyon pinaghirapan mo yon eh, ako nga ang dapat magpasalamat sayo dahil at-least nakauwi a

