Sa pagdaan ng mga araw, gaya ng dati pinilit niyang mamuhay sa normal na routine ng kanyang buhay. Ang buhay na matagal na niyang kinasanayan; ang pag-iisa. Subalit ramdam niyang hindi na niya maibabalik ang kanyang sarili na gaya ng dati na walang iniisip kundi kung papano muling mapapalapit sa kanyang pamilya at isubsob ang sarili upang mapalago ang kanilang negosyo upang may kapurihang maipagmalaki sa kanyang pamilya na hindi siya lumayo ng walang ng kabuluhan pero ngayon nadagdagan ang kanyang alalahanin dahil sa aksidenting pagdating sa kanyang buhay ng binatang yaon na nag-iwan sa kanya ng napakaraming katanungan na palaging gumugulo sa kanyang kaisipan. Dapat maging masaya na siya kung tutuusin dahil sa tulong ng pera na naging pinakamana niya ay naresolba na niya ang problema ng

